u/Apprehensive_Fox_489

For context, yung kuya ko is anak ng tita ko na kapatid ng mom ko— yes mag pinsan kami. Growing up, close kami— basically like siblings na turingan namin dahil both our moms were ofws and we both live with our lola. Now, nakauwi na ng Pinas yung mom niya nung nagka pandemic and never na nag abroad ulit and magkasama na kami lahat sa bahay.

So ito na nga, it started around last month yung diko pagpansin sakanya dahil he got mad at me about what happened involving his mom. Di ko maalala what day specifically pero nakatatak parin sakin yung nangyari. And yes nagtatampo parin ako.

Nasa bahay ako ng kaibigan ko nung biglang nag text si tita sakin na nagpapanic kaya tinanong ko kung anong meron yun pala gumala si kuya tapos hanggang sa mga oras na yun di parin nauwi sa bahay (side note lang: di masyado lumalabas si kuya but when he does, maaga naman siya umuuwi like super aga kahit he’s with his friends kasi usually he’d go out for a few hours lang siya na type of person—taong bahay kasi so yeah) back to the story, I got alarmed na din ofc kasi knowing my kuya di talaga siya nalabas masyado tapos pag may plano naman siyang gumala eh nagpapaalam siya nang maayos pero that day talaga yung message ni tita sakin ay nagsabi lang daw si kuya ko na “babalik lang siya” hinting na hours lang siya lalabas so akala talaga ni tita nasa malapit lang siya at babalik lang din kaagad si kuya sa bahay kaya wala na siya masyadong angal sa biglaan niyang paalam kasi nasa isip ni tita na baka pupunta lang si kuya ng 7/11.

Kinabukasan naisipan ni tita na silipin kwarto ni kuya para i-check kung nakabalik ba siya kasi napansin niyang di pa daw lumalabas si kuya sa kwarto niya akala lang ni tita natutulog si kuya baka daw kasi inumaga kaseselpon yun pala iniwan ni baliw phone niya sa computer table niya, meaning umalis siya na walang dala na phone. Dagdag pa ni tita na umalis si kuya nang madaling araw tapos kinabukasan ay palubong na yung araw di parin pala nakabalik si kuya.

Yun na, bilang nagaalalang nanay yung tita ko kinontact lahat ng friends ni kuya tapos ako naman ay nautusang niyang i-conctact ang special friend ni kuya kasi ako lang yung nakakaalam ng socmeds nung girl— di pa pinapakilala ni kuya kay tita si girl pero kilala ko na kasi nga close kami to the point na pati lovelife niya pinagkwekwentuhan namin tho if may mga lakad lakad si kuya wapakels na ako kasi malaki naman na siya. Mag update lang siya sa mama niya okay na ako dun.

At dahil masunurin ako at nagaalala din, kinontact ko talaga si ate girl kahit late na kasi malay mo ano na nangyari diba? Almost isang araw na din siyang di pa nakakauwi at wala pa siyang dalang phone kahit man lang maki text siya wala talaga so natural lang samin bilang pamilya ang magalala.

Nung siguro effective na lahat ng pag contact namin ni tita sa mga friends ni kuya and sa girl niya kasi napareply na din sa wakas, aba’y itong kuya kong nawala na walang proper na paalam ay bigla ba namang nag dm sakin tapos inaway ako sa chat. Kesyo bakit daw nagchat pa ako sa girl niya at sa mga kaibigan niya matanda na daw siya at hayaan daw namin siya. lol. Ang nasa isip ko lang that time ay nagiisang anak siya ni tita tapos laganap pa mga krimen sa Pilipinas aba’y natural din na magaalala talaga ako at di magdadalawang-isip na tulungan si tita na hanapin siya.

Ang hinanaing ko lang ay bakit nung sa gc na namin magpamilya eh malumanay niyang pinagsabihan si tita kesyo ganto ganyan pero nung nag dm siya sakin ay parang ang laki-laki na ng kasalanan na ginawa ko. Nagtampo ako sakanya after nun kasi kung sakin lang talaga out of concern lang naman yung ginawa ko kasi nagaalala si tita sakanya. Last month yun.

This month May naman, nag make move si kuya na magpapansin sakin para siguro suyuin ako? Ewan ko sakanya kasi panay sabi na ano daw gusto kong pagkain at oorderan niya ako. Bibilhan nang kung anong gusto ko mga ganon? Pero ang gusto ko talaga na mangyari is mag sorry siya kasi pag ako yung may kasalanan sakanya talagang sincere ako na nagsosorry pero sakanya parang water under the bridge lang siya eh ang haba-haba nung pangaaway niya sakin sa chat deserve ko naman siguro makarining ng “sorry” diba?

So yun nga, ABYG if diko parin pinapansin kuya ko hanggang ngayon?

reddit.com
u/Apprehensive_Fox_489 — 11 days ago