u/Any_Counter6960

▲ 1

Hello guys hingi sana ako ng advice. 2 months na ako ngayon as a service crew sa isang sikat na fast food chain. I applied full-time and accepted as a full-time employee. Noong una, okay naman kase 8-hour shift talaga kami pero as days go by, paliit ng paliit manhours namin. From 8 hours to 7 hours hanggang sa nag 6 hours. Tapos naging 3 to 4 days din ang rest day namin sa loob ng 15 days. Itong arrangement nato is sa mga dining crews lang. Na-adjust naman din ang manhrs ng mga taga kitchen crews pero hindi to the point na naging 6hrs.

5 months contract ko (July end of contract pero pwede ding mag extend) and i am here because nag iipon ako for board exam and review next year. Pati narin expenses for my graduation next month. September napo start ng review so basically I still have 5 months left to work.

My question is, should i stay sa work nato knowing na 6hours per day nalang kami? Tapos baka 11 to 12 days lang work sa loob ng 15 days? Sobrang kulang po talaga ng sahod huhuhu. Pero pwede din naman akong mag tiis hahaha.

Or hanap na ako ng ibang work? Kahit for 5 months lang? Basta 500 per day 8 hours? Okay lang ba mag awol? 2 months palang kase ako sa work tas first job ko pa. Please need advice. Need ko lang talaga ng pera tas di nasasayang effort and time ko. Thank you!

reddit.com
u/Any_Counter6960 — 12 days ago