Iphone 16 pro screen replacement
Baka may makatulong lang sa mga tanong ko kasi wala akong idea kung “scam” ba yung nangyari sa akin.Ito yung story: Yung 16p pro ko kasi nalaglag ko siya sa sementadong sahig (approx. 4ft ang laglag niya, no case, with tempered glass). No visible scratches, dents upon checking nung nagyari pero after 3 days, nag-glitch yung screen, nagkawhite line and flickering yung bottom side. Nangyari din yung screen issue noong nasa province na ako eh saktong wala ding service center dito si apple kaya I asked around sa mga tech stores here for replacement. May nakausap ako, offering original screen for a price of 24k. I asked basic questions sa kanila if 120Hz din ba siya? May true tone? Marerecognize ba as genuine sa parts history? Um-oo naman sila. So ayun nag-go ako. Kaso napansin ko sa process na ang hassle ngga nangyayari kasi…
- Nung pinakita sa akin yung screen, naka bubble wrap lang siya. Hindi siya nakabox (Sinabihan ko sila prior na kung peede bago nila buksan is andoon dapat ako to inspect din kaso umayaw sila)
- Nung sinalpak na yung screen, nag-unknown part siya sa history. Chineck ko sa repair assistant and it turns out yung screen is naka lost mode.
- Nagpunta ako sa isang branch nila from adjacent province para ilipat yung IC chip ng original screen ko into the new one pero same issue pa din siya.
Original part ba talaga yung binigay sa akin?