u/AlphaDr1ve

Masama ba ako kung nainis ako sa mom ng kaklase ng pamangkin ko?

Pa-rant lang ako kasi naawa ako sa mom ko. Sa mga mommies, I just want some enlightenment or insights kung tama lang na mainis ako sa kaklase ng pamangkin ko and mostly sa nanay ni classmate? Please don’t share elsewhere kasi they might put two and two together.

Nung isang araw nagpaend of school party yung buong class nila. Nilibre yung private resort and food nung isang mommy doon (not the mommy na kinainisan ko fyi haha) so since wala nang ambagan yung parents, yung mom ko nagmagandang loob na magpagames sa mga kids, simple na bunutan game lang. may 100 pesos, 200 pesos and 300 pesos na mabubunot. Almost 30 kids yung andon. They’re grade 5, mga 11 year old kids and their parents were there too.

Before the game even started may isang bata sabi “ay ang liit naman ng premyo.” So sabi ni mama sige lagyan daw niya ng 500 pesos. Tapos humirit pa si classmate sabi “ay ayaw ko. gusto ko 1000.” I looked at the mom and i saw na nakikitawa lang siya sa mga sinasabi ng anak niya, hindi manlang pinagsabihan yung bata. Yung ibang parents nga sinasabi na magstart na, halatang naawkwardan din sa sinabi nung bata. Tapos don ko na sinabi sa mom niya na “sige mommy. siguro wag nalang sumali si **** kung ayaw niya.” in a very calm way naman. Yung mom naman sabi lang “sige sa exchange gift ka nalang sumali anak. May malalaking box.”

So yung mom ko buong araw halatang nadown. Tinanong pa niya ako kung masyado ba kasing maliit pinamigay niya. Naawa lang ako kasi nageffort yung mom ko magpasimple games lang kahit hindi naman required and money is still money. And to think there were like almost 30 kids there and she made sure na lahat may makuha. She’s also almost a senior na but still working hard for my pamangkin. Ang sakin lang is sana pinagsabihan manlang or pinigilan nung mom niya but no, ginatungan pa.

I was always taught by my family to always be grateful sa lahat ng mga binibigay ng iba kaya I really know how to appreciate everything.

reddit.com
u/AlphaDr1ve — 11 hours ago