u/AlbatrossCautious675

Directly reporting ako sa VP-level, boomer sya. Naintindihan ko fast pacing ang line of work namin pero… alam mo yun, lahat ng lineup nya gusto nya uraurada may resulta or dapat nasimulan na after a minute na sinabi nya. Madalas dumidirecho na sya sa mga directly reporting saakin so pati sila nagagambala. Di ko alam kung pano ko natitiis ‘to or sadyang mahaba lang ang pasensya ko. Nag dedeliver naman ako. Kapag nadeliver ko na, wala, nasstuck na sakanya. Matagal bago makabalik and feedback tapos magbibigay ng feedback kapag last minute na. Nakakaiinis.

FYI, di ako mabagal. Sadyang, di ko na alam pano icacategorize lahat ng lineup nya kasi lahat ng gusto nya ipagawa dapat madeliver agad. Okay naman company namin, okay naman mga katrabaho ko. Sya lang talaga ang pinaka bottle neck ko.

Nag start yung taon na malinaw usapan namin na magsstick na sya sa level nya, kapag may concern sya sa mga tao ko or may ipapagawa sya, ako ang kakausapin nya. Pero ayun nga mga 2 weeks palang after ng usapan namin, bumalik na naman ang mga gawi nya.

Wala lang, slight pa rant lang pero hingi ako insights sainyo :)

reddit.com
u/AlbatrossCautious675 — 18 days ago