u/Akonik5353

So ayun 3 months ago i decided na pakargahan yung motor ko na click 150i,59mm mtrt block,6.0mm lift na camshaft,uma racing 30mm throttle body at full set ng sun racing na panggilid, remapped na din pala tong motor at pumalo ng 22hp,kala ko ok na kase ok sya tumakbo nagta-topspeed din ng 150kmph then lately napansin ko bigla na sya naguubos ng coolant kala ko water pump assembly lang so pinatingnan ko parang hindi naman daw,pero ang hunch ko dito head gasket ay may leak na,last week nag change oil ako,napansin ko may mga green bubbles na yung oil.ayun na nga patay tayo jan hahah,my hunch is right it really was the head gasket,so after mag change oil ginagamit ko pa din kase wala naman nagbabago sa takbo or baka mahina lang pakiramdam ko.kaya yata niya ako tinawag na manhid eh hahah.joke lang

Tmso ayun nga ginagamit ko na ulit at napansin ko na maslumakas na siya mag ubos ng coolant at grabe na din yung tapon ng langis sa engine breather dahil nga siguro napupuno na ng langis at tubig ng engine.

Kaya eto ako ngayon magpapa overhaul.

Sabi pala ng builder ko copper gasket na daw gamitin namin.

Sana lang tumagal

So sa mga nagiisip magpakarga ng motor think twice po

Mahirap din pala.kala ko ok na once tumatakbo at alaga naman sa change oil.masakit din sa bulsa hahaha,

I learned my lesson na.

Sana matapos today ang overhaul

u/Akonik5353 — 17 days ago