u/Aifoskrt0008

PAGOD NA AKO NEED SOME ADVICE

Problem/Goal: Gusto ko na mag resign sa work pero wala pa ako back up plan.

Context: Mag 2 years na ako sa work. Medyo matagal ko na pinag iisipan umalis ng work pero ang bait ng boss ko. Sales associate ako sa 1st 6 months ko tapos after non naging Head na ko pero super liit lang ng nadagdag sa sahod ko pero yung responsibilities ko lumaki na nang lumaki pero ngayon mag dadalawang taon na ako walang nadadagdag sa sahod ko.

Province ako nag wowork - 520/ day tapos yung under ko ang rate is 500/day. May benefits naman and also mag commission if nakaka hit ng quota.

Ngayon napapagod na ako. Gusto ko na talaga umalis pero wala pa akong lilipatan. Pero pumapasok nalang ako sa work for nothing. Tamad na tamad na akong gumawa ng kahit ano. Feel ko daming pinapaggawa sa akin na hindi naman dapat sa role ko.

Eto nga ginagawa ko:

Ocular
Client meetings
Checking ng payroll
Checking ng Schedule per week
Contracts ng clients / gawa / update
Changes ng contracts (Service Agreement) and ako din nakikipag usap sa Atty.
Moa ng partners
Checking and reviewing ng mga post for Marketing
Coordination with suppliers
Collecting and Updating of Payments ng mga clients

At madami pang iba.

Di ako nakakatulog kakaisip sa work pati panaginip ko puro trabaho. Feel ko overloaded na yung utak ko at dahil nga overloaded na siya kami simple conversation madalas di ko alam sasabihin ko kaya nabobother din ako sa nangyayari sa sarili ko.

Attempts: 0

Ano need kong gawin? 😭

PS: isa pa sa nag hohold back sa akin mag resign is kaka resign lang din ng dalawa kong ka work and kulang sa tao pero ayaw mag hire gusto extra lang.

reddit.com
u/Aifoskrt0008 — 4 days ago