







▲ 4 r/ScammersPH
Hi guys, need advice lang if scam ba to or legit.
May binebenta akong ballet pointe shoes worth ₱800, tapos may nag-message na buyer. Bigla siyang nag-offer ng ₱60,000. Sabi niya for some kind of “car study” daw, tapos gusto niya video na naka-pointe shoes habang pinipindot yung car pedal (hindi naman daw magddrive). May sinend pa siyang sample pic.
Active naman siya mag-reply at maayos kausap and may pinakita rin siyang proof of payments niya sa ibang participant but yeah still sketchy
ang balak ko sana kung legit siya papabayaran ko na lang ng ₱800 which is willing nya gawin . Gusto ko lang malaman ano possible risks dito bago ako mag-decide.
Sa tingin niyo scam ba to? May naka-encounter na ba ng ganito? Ano ba masama pag kakagat ako dito?
u/Ahhbeeeeeeeeens — 14 days ago