u/Aggravating_Jury3658

isa pa talagang questionable sa strategy ng GMA is kung paano nila hina-handle ang artists na “mainit” na sa masa. kapag may momentum, imbes na i-curate at i-protect yung image, halos isalang nila sa kung anu-anong project even low-impact or “filler” appearances.

take AlDub era as an example. halos kahit saang programa makikita mo sila. kahit sa shows na hindi naman aligned sa level ng hype nila at that time. while it boosts visibility in the short term nakaka-dilute naman ng brand in the long run. nawawala yung sense of exclusivity.

kung iko-compare mo sa ABS mas controlled sila pagdating sa exposure ng artists na may A-list potential. hindi nila hinahabol yung dami ng appearances. mas priority nila yung quality at positioning ng projects. mas pinipili kung saan lalabas ang artista kaya nabubuo yung premium or “mamahaling” image. best example nito is si bea alonzo. after cementing her image Hindi mo sya Basta makikita sa mga pipitsuging shows. pero nung lumipat sa GMA pinasayaw ba naman sa AOS 🤦. ok lang sana kung hosting eh.

in the end, hindi lang naman about pagiging visible. it’s about being seen in the right places at the right time with the right material. doon nagkakaiba ang impact.

kaya medyo nagwoworry ako sa rising stars nila like capeath and will ashley. if they don't handle them well magiging tulad lang sila ng iba.

reddit.com
u/Aggravating_Jury3658 — 13 days ago

Hit-or-miss talaga ang GMA pagdating sa artist management. May pattern yan eh. kapag may artista na nagkakaroon na ng momentum parang hindi nila nasusustain nang maayos. take Jillian Ward and David Licauco as examples. pareho silang nagkaroon ng breakout roles na talagang tumatak sa audience, to the point na puwede na silang i-consider as rising household names.

pero imbes na i-build further yung established image nila, nabibigyan sila ng projects na hindi aligned sa strengths o niche nila. as a result, nawawala yung momentum at hindi nare-reinforce yung brand nila bilang artists. dito nagiging obvious na parang kulang sa long-term direction ang GMA.

ang ending kapag hindi nag-click yung projects, bumabagsak ang shows at nadadamay ang trajectory ng artista. parang bumabalik tuloy sila sa square one. sayang kasi may solid na foundation na sana. In Jillian’s case for example she already proved she can carry a project, so mas logical sana kung binigyan siya ng another strong solo, top-billed role to cement her status instead of experimenting agad sa hindi swak na material.

Ganito rin ang nangyari Kay Rita Daniela and Ken Chan. remember how big they were during their breakout roles as aubrey and boyet. after that binigyan agad ng pipitsuging project kaya ending nagflop. hanggang sa nawala na yung hype nung dalawa.

Kaya sayang talaga mga artist sa network na to. kung tutuusin mas talented sana Sila kumpara sa abs but abs knows how to handle their artists talaga

reddit.com
u/Aggravating_Jury3658 — 14 days ago