Change of heart
Meron po ba dito na akala nila ayaw na magka anak but nagka change of heart after a few years?
I’m a mom of three at 30 years old. Yung eldest ko is turning 5 in a month. Then I have a 1 yr old and a 7 month old. Talagang one year and a few days lang yung agwat nilang dalawa. After the second baby, ayoko na sanang magka anak pa kasi na trauma ako. The birth was super fast paced but super painful. Kaya nang nalaman ko na preggy na naman, naka instill na talaga sa mind ko na tama na ako sa 3.
Now, naka copper IUD ako and withdrawal pa rin kami ni hubs. Considering ligation na rin ako kasi baka pumalya pa yung vasectomy. (Pa sched pa si hubby) As in ayoko nang magluwal ng bata.
But now while sorting through my baby’s overgrown clothes, parang nanghinayang ako. I mean, gusto ko pa ng baby, ayoko lang talagang magbuntis ang manganak pa.
Magbabago pa kaya yung mind ko? Baka may mommies dito na same situation as me na nagbago yung mind.