u/According_Wind5123

▲ 270 r/phcareers

35 | IT Consultant | 200k+ income

Scenario:
Kahapon, nalayoff (redundancy) ang better half ko dahil sa company restructuring “daw”; pang-3rd wave na ata ng tanggalan sa kanila simula nitong taon.
Earning sya ng 80k+ monthly + super generous bonus anytime ng taon randomly kakasahod lang may x4 sya makukuha.

Workload? Not toxic, comfort zone na niya yung workplace.
For additional context, early this year, muntik na siyang mag-resign pero pinigilan ng superiors (siguro alam na nila yung darating na layoffs, at alam na may severance package na generous). Pinayagan na lang siyang once-a-week onsite, para ma-support yung OT (occupational therapy) sessions ng anak namin.

Pero kahapon, WFH sana siya.. pero got an email from the boss na kailangan pumasok sa specified time, Tapos ayun na nga bago papasukin sa meeting room para sa 1-on-1, umiyak-iyak isa isa, pero lalabas na smiling peys!!! LAKI ng bigayan, kuya Will! 💸

Separation pay niya almost x15+ (hindi exact, pero yung iba daw nakaka-x20+ depende sa tenure).
Instant millionaire siya that moment, umuwi agad sya sa takot mawala yung cash na dalata nya.. first hours ng “unemployed era” niya.
Plano sana namin mag pares para i-celebrate ang milestone, kaso ang init ng panaho ! kaya fastfood na lang pala. 😅

Situation namin:
• 1 toddler with on going therapy sessions a week (makati na gastos to kasi bukod sa malayo (sayang gas o pang grab) yung therapy sa house namin eh, 1.5k per session!) for early intervention currently GDD diagnosis. (Hopeful naman kami na makahabol and not ASD 🙏)
• May 2 cars (planning for EV siguro next year, pero magbebenta muna ng isa for proper parking. be responsible car owner!
hindi porket nasa subdivision, sa inyo na harap ng bahay nyo.. tigilan nyo ko na “nasa pakikisama lang yan” lol nyo! Bili kyo ng malaking lote muna! Shoutout sa mga kapitbahay namin! 😂).
• House amortization pa (less than 24 months na lang ata).
• Never-ending bills + monthly needs.
• Ako naman, kaya ko i-solo yung expenses (200k+ income ko, ang kaso super stressful workload ko, anxiety pag mulat ng mata hanggang bago matulog, Kailangan lang talaga kayanin! Super busy to the point yung burnout na lang mag a-adjust I have no time for that! ).

Nagta-tabi naman kami for rainy days, pero iniisip din mag-negosyo, kaso hindi kami na breed for that, pessimistic thinking pero, para sa akin.. “pessimism sells” at ayun ang safe route na alam at subok na namin; may workflow kami ever since teens: play by the book, study hard, enjoy & live by the moment, laban lang ng patas.

Hindi kami well-off kasi BILLS everywhere! At sympre never ending din na lifestyle upgrade, need mag improve oo? pero paradox ‘to kung gusto namin mag enjoy at comfortable na buhay, hindi pdeng hindi kami mag labas ng pera.

May pangamba din ako sa skills namin na maging irrelevant lalo na sa AI era, aminin man o hindi.. posibleng factor yun kaya nag layoff.

Ngayon, busy siya sa gov’t chores para di maramdaman yung “walang work.”, mamaya rerender sya ng onting time sa sideline nya..

I think, deserve talaga niya mag-hiatus; non-stop eversince pagka graduate nya sabak agad sa work from 20 until now 34. Hindi ko nga lang alam kung mey formula ba kung ilang months ba dapat?
Pero sa panahon natin, mahal ng bilihin, ma u-ubos din yung nakuha nya kung di ma-ingat.

Ano magandang strategy moving forward?
• Job hunt ba agad, or hiatus muna? (May sideline nga pala sya 8hrs a week lang nirerequired sa kanya low commitment..)
• Paano i-invest (bili ba ng property)?
• Skill up for AI-proof jobs? (Farmer, chef, hairstylist, construction, politician etc…)
• Mag-business ba talaga, or side hustle?
• Lipat ibang bansa, may pag asa pa ba dito sa bansa natin?
• Mag-vlog na lang uso naman “A day in my life of unemployed...”🤳

Useful advice po sana, salamat sa oras! Totally appreciate it. 🙏

reddit.com
u/According_Wind5123 — 14 days ago