Need advice on concerns with repairs made on my Pajero FM
Pinagawa ko kasi yung ball joints ng pajero ko and yung power steering hose. Sabay ko yun pinareplace nung January lang and pinagawa ko siya sa long time mechanic ng dad ko na siya talaga gumagawa ever since ng pajero namin. Lately, bumabalik yung ingay sa ilalim pati yung sa steering, yan din yung cause kung bakit pinagawa ko yung parts na yan. Nakakapagtaka lang kasi I barely use the car dahil sa pagtaas ng diesel. Siguro once a week lang kung kinakailangan. Hindi ko lang kayang ipagawa agad agad dahil meron akong malaking expense nung kailan lang.
Pwede kayang ibalik ko yun sa mechanic para ayusin niya tapos ask for a lower cost for the repair dahil parang di naman talaga naayos yung problem? Malaki rin kasi nagastos ko doon kaya parang nakakapanghinayang na sira na naman.