BAGONG MODUS NG MGA NASA BOOKING.COM
Bagong modus ng mga nasa booking.com and potentially sa Airbnb din.
Wag basta2 magpapaniwala sa mga murang condo rentals - tignan ng maigi ang reviews. Tinatabunan nila ang mga masasamang reviews with their own fellows or own booking para magmukhang malakas pa din ang scoring.
Scenario:
Maghahanap ka ng murang marerent malapit sa MOA. Nakita mo sa booking.com na 900-1000 lang offer nila + pwede pa dun na payment sa mismong location na. Syempre kakagat ka and baka di mo na tignan ang reviews kasi malaki naman ang score.
Ang sasabihin nila sayo, ibang condo nalang kasi sira daw yung condo na binook online. Maraming rason ibibigay nila: walang wifi, walang tubig, walang kuryente, etc etc. So from Shell Residences, ililipat ka nila sa Sea Residences Tower C/D.
Ang usual scenario talaga eh yung property owner or manager ay mag-iinform lang sayo na kukunin lang ang susi sa locker ng specific room (with potentially the password of the lock), pero sa style nila, HINDI. Mag-aantay ka sa lobby sa kanilang mga "handler"
Itong mga handler na 'to ang maghahatid sayo papunta sa room/condo mo mismo at sila din magsasabi sayo na magbabayad ng payment sa kanila na at ang nakakagulat sa lahat, instead na 900-1000 yung babayaran, bigla nalang nagiging doble kasi sasabihin nila tignan mo yung confirmation email na may dagdag na service charge which is more likely times two of the shown amount. So imbis na makatipid ka, mapapamura ka sa bwisit. Pagod ka na nga sa biyahe at flight, gagagagohin ka pa ng kapwa pinoy. Mapapabayad ka nalang talaga.
Sasabihin nila sa inyo na icacancel mo dapat yung booking, yun para hindi sila magbayad ng platform fees sa booking.com - oh diba ang puputangina talaga.
Heto pa. Isa sa nakakabwisit sa lahat. Times two na nga nabayaran mo, ampangit pa ng lugar. Ni basic amenities, WALA.
- Sobrang bagal ng internet. Yung tipong parang nakikiconnect lang sa kabilang condo. Mabilis pa data na 3G eh.
- Ni-mainom na tubig wala.
- Ang towels sobrang baho
- Maalikabok ang lugar
- Ang aircon walang maintenance, di maginaw kahit naka-low temp na
- Ang ref di rin gumagana
- Ang utensils kinakalawang putangina talaga
- Kahit sabon sa CR o panghugas ng kamay, WALA
Sa halagang, 1800+ pesos tangina nakakapag-4 star o 3-star hotel ka na niyan eh. Alagang-alaga ka pa.
Tulungan niyo kong mareport tong hinayupak na condong 'to:
Jhem's Place sa Shell Residences