u/00_Anonymous00

▲ 5

Since grade 8

Hi guys, I just want to share my relationship story and how we started. This will be a long story pero hopefully basahin niyo pa rin. Yung mga names na mababanggit ko hindi totoong names, papalitan ko lang hehe.

I’m Athena and I have a boyfriend named Marco.

Back in high school, Marco was one year ahead of me. Grade 9 siya noon while I was Grade 8. Simula pa lang may crush na talaga ako sa kanya. Gwapo kasi siya, matangkad, maputi — like legit gwapo talaga.

At first, ang alam kong name niya was “Drake” kasi yun yung sinabi nung napagtanungan ko 😭 Super kinilig pa ako noon kasi parang wattpad name hahaha. Kaya pala hindi ko siya mahanap-hanap sa Facebook kasi hindi naman pala yun yung totoong name niya.

Lagi ko siya nakikita sa corridor kahit magkaibang building kami. Minsan tumatambay pa talaga ako sa side nila just to see him. To the point na naghahanap pa ako ng tropa sa section nila para hindi halata kung bakit ako napapadpad doon kahit section 1 ako noon hahaha.

I always found ways para makita siya, kahit kunyari accidental lang. Alam ng lahat ng friends ko, classmates ko, even mama and ate ko kasi minsan nakikita namin siya sa labas kapag namamalengke kami. Lagi ko talagang sinasabi na “ayan yung gusto ko.”

Kapag napapadayo sila sa building namin tapos makakasalubong ko siya, grabe halos hindi ako makahinga sa kaba. Literal na kinikilig pero hindi ko pinapahalata. Tapos one time sinabi pa ng classmate ko na second cousin daw niya si Marco at malapit lang bahay nila, kaya sabi ko agad “doon na tayo mag practice!” HAHAHA.

Ang saya lang noon para sakin kahit simpleng makita ko lang siya sa school or sa labas.

Until nagka-girlfriend siya. Dancer yung girl and maganda rin naman. Syempre medyo nakakaselos pero okay lang kasi bagay naman talaga sila — and hello, hindi naman niya ako kilala hahaha. I still remember crying to my bestfriend nung nakita ko silang magkasama kumakain ng kwek kwek 😭

Moving forward, Grade 9 na ako and Grade 10 na siya. Hindi na kami masyado nagkikita kasi pang-umaga siya noon. That time naman may nakilala akong guy na napagkamalan ko talagang siya kasi matangkad at maputi rin, as in hawig niya kapag nakatalikod. Kinuwento ko yun sa friends ko tapos coincidentally ka-co dancer pala siya ng friend ko. Ayun, pinakilala ako.

Hanggang sa nanligaw siya. Actually ayoko pa sana magka-boyfriend noon pero pinilit ako ng friends ko na bigyan daw ng chance kasi mabait naman. And hindi nga sila nagkamali, mabait talaga siya. Sinabi ko rin naman sa kanya noon na isa sa reasons bakit ko siya napansin kasi hawig niya crush ko, and kilala niya rin si Marco since same level lang sila.

Eventually naghiwalay rin kami pero good terms naman.

Grade 10 na ako noon while Grade 11 na si Marco kaya hindi ko na siya nakikita sa school kasi hiwalay na building ng senior high. Pero nakikita ko pa rin siya minsan sa daan.

Then summer came, pa-Grade 11 na ako. Randomly nagkausap kami ni Marco and nalaman ko na kakahiwalay lang pala nila ng girlfriend niya(new gf). Habang nag-uusap kami alam ko naman sa sarili ko na hindi magiging kami, pero tuloy pa rin yung usap. Sinabi niya rin na napapansin niya raw ako noon pa.

Hindi ko rin alam bakit ako yung unang umiwas sa pag-uusap namin. Siguro kasi alam kong gusto niya pa rin ex niya. And tama nga ako kasi nagkabalikan din sila after.

So ayun, Grade 11 ako and Grade 12 siya. Lagi ko pa rin siya nakikita pero natural lang ako tuwing magkikita kami. Hindi ko siya pinapansin tapos derecho CR after kasi doon ako kikiligin HAHAHA tapos back to reality ulit.

Nagka-boyfriend ulit ako and naging okay naman kasi hindi ko na rin siya masyadong nakikita. Until nag-break ulit kami ng boyfriend ko noong October 2019.

Then December 2019 lockdown happened and lahat tayo nasa bahay lang.

March 23, 2020, napansin ko parang wala na naman siyang girlfriend. Kinuwento ko yun sa friend ko and parang katuwaan lang talaga namin noon. Sabi ko, “chat mo nga siya sabihin mo hinahanap ko siya pero kunyari wala akong alam.”

Since supportive friend ko yun, chinat niya agad 😭

Then that afternoon, biglang nag-chat si Marco. Halos mabitawan ko phone ko sa kaba. First message niya:

“Hanap mo daw ako sabi ni Ella.”

Syempre umacting ako na wala akong alam HAHAHA.

And doon na nagtuloy-tuloy yung usap namin. Nalaman ko rin na November pa pala sila nag-break ng ex niya. Months kaming magkausap halos buong araw, tapos pag gabi video call araw-araw.

Pero kahit ganoon, ayoko pa rin mag-assume. Ayoko bigyan lahat ng meaning kahit sinasabi niyang gusto niya ako and gusto niya akong makita.

This time kasi gusto ko talaga na kung seryoso siya, manligaw siya nang maayos. Gusto ko maranasan na ligawan sa bahay, makilala siya ng family ko. Hindi ko alam bakit pero hindi ako naging ganon sa mga previous relationships ko. Pero sa kanya, gusto ko tama lahat.

After months of talking, June 2020 was our first meetup. Sobrang kinakabahan ako that time na natapon ko pa yung shake na binili namin 😭

Then finally, September 2020 officially nanligaw siya sa bahay.

And up until now, kami pa rin. Going 6 years this October 25 🤍

And I just want to share this story because ang sarap balikan kung paano kami nagsimula, especially knowing na ang tagal ko siyang naging crush before everything happened.

But not all long relationships are perfect. Next time ikukwento ko naman paano unti-unting nag-collapse yung relationship namin.

reddit.com
u/00_Anonymous00 — 4 days ago
▲ 12

Hi guys, If you knows "Sir Nebb" alam niyo yung mga horror story na sometimes real life siya. Lagi ako nakikinig kahit sa work ko and somehow curious ako since ang favorite kung pakinggan is about aswang. So, My question is totoo ba talaga ang aswang? Like meron naba talagang nakakita sa inyo? Ano ba ang totoong appearance nila?

reddit.com
u/00_Anonymous00 — 9 days ago