u/-vj

PLDT Auto-closing Tickets after 24hours?

Sa mga nagrereport ng Internet Issue nyo sa PLDT Cares, naexperience nyo ba na nag aauto close yung SR's nyo after 24 hours? Pag chineck nyo the next day sa PLDT issue Tracker, wala na yung SR#. Eto ata bagong pakulo ng mga agents ng PLDT para pumasa sila sa Metrics/SLA's ng tickets nila. Nakakainis kasi pag nag close yung ticket mo at nagraise ka ng bago nagmomove syempre yung ETA Resolution ng Fix.

Araw-araw kumakausap ng Agent pare-parehas yung script nila na nagfollow-up na sila sa respective team at may pupunta daw on-site para tingnan yung issue tapos pagcheck mo kinabukasan sarado na yung ticket. Magbubukas ka na naman ng bagong ticket via Messenger nila tapos tinatanong mo kung bakit sinara yung previous ticket ang sagot kasi tinry daw ifix, eh wala naman pumunta at kumontak saamin?

Sino ba dapat sumilip dito, NTC or DTI? Kawawa lagi mga consumer ng mga malalaking kumpanya na ito.

reddit.com
u/-vj — 4 days ago