u/-PotatoPol-

ABYG pag cinancel ko yung pag bili sa Ebike?

Ako ba yung gago kung icacancel ko yung possible transaction ko sa pagbili ng e-bike?

Naghahanap kasi ako ng NXT Revofold kaso walang available malapit sakin. Nag-chat ako sa Alabang branch and fortunately meron sila available.

Since hindi ako makapunta sa Alabang, pina-send ko muna ng video yung agent para may walkthrough/demo ng functions bago ako mag-send ng payment, then Lalamove na lang sana for delivery.

Ang nangyari, sine-seen lang ako tuwing nanghihingi ako ng update dun sa video. Kahit anong follow-up ko, seen lang talaga.

So ngayon iniisip ko kung i-cancel ko na lang ba at humanap ng ibang supplier ng e-bike.

reddit.com
u/-PotatoPol- — 2 days ago