Hi mommies! Hingi lang sana ako ng opinion/tots/advice/suggestions (?) from someone na napunta na sa same situation..
My firstborn is already 4 yo, turning 5 this yr. I am currently 16wks pregnant, working sa BPO company (2days wfh, 3days onsite). Kapag nababakante utak ko, lagi ko naiisip kung kaya ko ba bumalik sa work after ML at iwan yung dalawang bata sa kasambahay. Sabi nya kaya nya. Pero ako, parang di kaya ng puso kong iwan yung dalawang anak ko sa kasambahay lalo't 3-4mos palang yung isa after ML ko ☹️
Sobrang torn ko. Kung magreresign naman ako, baka di namin kayanin yung expenses since magaaral na yung panganay ko at nagbabayad pa kami ng bahay. Better sana kung may makuha akong work na fully wfh kaso di na ako confident ☹️ 12yrs na ko sa BPO company and nastuck ako sa mababang position. Mataas na rin ang competition ngayon. Hay, kung pwede lang hatiin yung katawan para mabigay ko lahat sa mga anak ko ☹️